CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Cauayan City District Jail na ligtas ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa matinding init ng panahon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Emerald Hombrebueno, warden ng Cauayan City District Jail na nasa mabuting kalagayan ang lahat ng mga PDLs.
Aniya, ang mga PDLs na may sakit ay mahigpit na tinututukan ng kanilang mga jail nurses.
Tuwing umaga ay nagkakaroon din sila ng sunning and zumba activity.
Tiniyak din nito na wala namang problema sa suplay ng tubig sa Cauayan City District Jail.
Ayon kay Atty. Hombrebueno, sa kabila ng mainit na panahon ay mas gusto ng mga PDLs na manatili sa kanilang mga selda dahil mas malamig umano kaysa sa labas.
Nireregulate naman nila ang paggamit ng electric fan dahil baka mag-overload ang electrical wirings at magkaroon pa ng sunog.
Aniya, bago pa man ang summer season ay nag-inventory na sila ng electric fan at ibang appliances para mabawasan ang mga ginagamit sa loob.
Sa ngayon ay nasa 174 ang lahat ng PDLs sa naturang piitan.
Tinig ni Atty. Emerald Hombrebueno.