--Ads--

Ipinatupad ng Cauayan City Government ang 4-day compresed work week sa bisa ng Executive Order na ipinalabas ni Mayor Caesar Dy Jr.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jann Victor Fermin III,Legal Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan sinabi niya na unti-unti ay nag a-adjust na ang mga empleyado ng LGU.

Ilan sa mga naging sanhi para sa pagsusulong ng 4-day compresed work week ay ang magtipid ng kuryente dahil sa mainit na panahon maliban pa sa pagsaalang-alang sa lagay ng kalusugan ng ilang mga empleyado na pumapasok sa opisina.

Ang executive order ay alinsunod sa mungkahi ng Civil Service Commision na flexible working arrangements at dahil karamihan sa mga empleyado ng City Government ay nasa opisina, nagpasya silang ipatupad ng 4 day compressed work week.

--Ads--

Aniya magtatrabaho pa rin ang mga empleyado ng 42 hrs. per week subalit nagkaroon ng pagbabago sa oras kung saan ang pasok ay magsisimula ng alas siyete ng umaga at magtatapos ng alas sais ng gabi habang wala namang pasok tuwing Biyernes.

Hindi naman sakop ng Executive order ang mga frontline services kabilang ang CDRRMO, POSD, CHO, Engineering, City Agriculture Office, at CSWDO.

Inaasahan na ang compressed work week ay posibleng magtagal kung magiging epektibo para sa operasyon ng City Government o hanggat nagpapatuloy ang mataas na heat index at problema sa supply ng kuryente.

Bukas naman silang mag-adapt ng iba pang flexible working arrangement na naaayon sa bawat opisina ng City Government.