CAUAYAN CITY– Tiniyak ng pamunuan ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA MARIIS) na matibay ang Magat Dam sa kabila ng napaulat na pagkasira ng dam sa Kenya na dahilan ng pagkasawi ng ilang katao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan aniya na nag nawasak na dam sa Kenya ay isang make shift dam na hindi dumaan sa feasibility studies bago naipatayo.
Ang pinakaunang dahilan aniya ng dam broke gaya ng nangyari sa Kenya ay ang naipong mga debris mula sa flash flood na siyang unti-unting sumira sa mahinang pundasyon ng dam.
Sa kabila ng naturang balita tiniyak ng NIA-MARIIS Dam Reservoir Divison na handa ang kaniyang ahensya para sa mga ganitong insidente.
Sa katunayan ang Magat Dam ay kayang tumanggap ng 24,600 cubic meters per second na inflow na imposible aniyang dumating dahil sa ngayon nasa higit 10,000 cubic meters pa lamang ang pinakamataas na inflow ang kanilang natatanggap.
Maliban dito ay nasa maayos na kondisyon parin ang water shed areas ng Magat Dam kaya walang dapat ipangamba ang publiko sa integridad ng dam.
Dagdag pa niya na may mga ginagamit narin silang instrumento para ma-predict ang mga mararanasang thunder storms at kung gaano kadami ang ibabagsak na ulan na posibleng makaapekto sa dam.
Ayon pa kay engr. Ablan na ang insidente ng Dam broke sa Kenya ay posible sanang naiwasan kung dumaan sa pag-aaral at may komprehensibong plano ang pagtatayo ng old Kijabi Dam na nagresulta ng malawakang pagbaha.