--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatutok ang Pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa maaaring maging epekto ng La Niña sa mga susunod na buwan.

Sa eklsusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor Rodito Alabano III, sinabi niya na magsasagawa sila ng desilting sa mga creek na barado bilang paghahanda sa La Niña Phenomenon.

Aniya, kailangan ulit na buhayin ang mga sapa upang maging maganda ang pagtatanim ng mga magsasaka at ngayon aniya ang magandang pagkakataon para mag-desilting dahil mababa ang lebel ng tubig.

Plano din aniya ng pamahalaang panlalawigan na magtanim ng mga bamboo o kawayan malapit sa mga watersheds na makatutulong sa pagpapanatili ng tubig sa mga sapa.

--Ads--

Samantala, pinag-aaralan na ng Pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang pagdedeklara ng State of calamaity sa lalawigan sa kabila ng epekto ng El Nino Phenomenon sa sektor ng agrikultura.

Ngunit sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na report mula sa Provincial Agriculture Office kaugnay sa mga naitalang pinsala sa agrikultura sa lalawigan.

Ayon kay Gov. Albano, sa kabila ng epekto ng El Nino ay naging maganda naman ang ani ng mga magsasaka.