--Ads--

CAUAYAN CITY-

Pormal nang inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa Sangguniang Panlalawigan ang pagsasailalim sa State of calamity ng  Isabela dahil sa matinding epekto ng El Nino Phenomenon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Atty. Constante Foronda sinabi niya na pormal na pinagtibay ang isang rekomendasyon para isailalim sa State of calamity ang buong lalawigan batay sa ipinirisentang ulat ng Provincial Agricuture Office.

Batay sa datos naitala na ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura sa P1.5 billion.

--Ads--

Sa palay naitala ang P635 milyon halaga ng pinsala na umabot sa labing limang libong ektarya ang totally damage at labing limang ektarya rin ang partially damage na kung saan apektado ang halos dalawang libong magsasaka mula sa limampu’t anim na bayan at lunsod sa Isabela.

Sa pananim na mais ay naitala ang kabuuang pinsala na 629 milyong piso kung saan labing apat na libong  ektarya ang partially damage at dalawang libo at limang daan ang totally damage mula sa dalawanpu’t limang bayan at lunsod ng Isabela na nakaapekto sa 9,773 na magsasaka ng mais.

Sa high value crops umabot ng P215 milyon ang pinsala sa isang libo at tatlong daan na ektarya ng pananim habang sa palaisdaan ay naitala ang 191 na ektarya na may kabuuang halaga na mahigit pitong milyon.

Batay sa PDRRMC executive committee pasok sa batayan para ideklara ang State of Calamity ang Isabela matapos maitala ang nasa 30% ng mga Agricultural crops na naapektuhan ng matinding init ng panahon.

Makatwiran ito para para magamit ang mga nakalaang pondo at makahingi na rin ng ayuda sa Pamahalaang Pambansa.

Ang rekomendasyon ay pinagtibay ng lahat ng mga kasapi ng PDRRMC sa isinagawang special at regular business meeting sa PDRRMO building.