--Ads--

CAUAYAN CITY- Lubos na nagagalak ang pamunuan ng Isabela State University – Ilagan Campus matapos manguna sa katatapos na Registered Master Electrician Licensure Examination ang isa sa kanilang mga alumna.

Rank 1 sa katatapos na Registered Master Electrician Board Examination si Engr. Mariclaire Baingan Larugal na nagtapos sa kursong Bachelor of Electrical Engineer sa  ISU – Ilagan Campus matapos makakuha ng 92.50% na marka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Cholo Alfonso Simon, Executive Officer ng Isabela State University – Ilagan Campus, sinabi niya na labis silang natutuwa dahil muli na namang nakapagtala ang kanilang Unibersidad ng National Topnotcher sa katauhan ni  Engr. Larugal.

Aniya, nagkaroon siya ng goosebumps nang makita ang resulta dahil ito ay isang malaking karangalan sa ISU – Ilagan at sa buong ISU System .

--Ads--

Ayon kay Dr. Alfonso, si Engr. Larugal ay isang average student at hindi Latin Honor graduate kaya’t labis nilang ipinagmamalaki ang kaniyang tagumpay.

Hindi lamang Registered Master Electrician Licensure Examination ang  kaniyang ipinasa dahil pasado din siya sa Registered Electrical Engineering Licensure Examination.

Aniya, 73.33 % naman ang first takers passing rate ng ISU – Ilagan Campus para sa Registered Electrical Engineering Licensure Examination kung saan katumbas ito ng 44 examiniees mula sa kabuuang animnapung graduate ng ISU Ilagan na kumuha ng pagsusulit.

80% naman ang kanilang passing rate para sa Registered Master Electrician Licensure Examination kung saan mas mataas ito kung ikukumpara sa National Passing rate na 51.56%.

Magsasagawa naman sila ng motorcade at Testimonial Program bilang pagbibigay pugay kay Engr. Larugal at sa lahat ng pumasa sa Registered Electrical Engineering Licensure Examination at Registered Master Electrician Licensure Examination.

Bibigyan din aniya nila ng financial reward si Engr. Larugal na kanilang I-aaward sa naturang programa.

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng graduates ng ISU-Ilagan para sa kanilang magandang performance sa katatapos na Licensure Examinations for Registered Master Electrician at Electrical Engineering.