CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng Joint Medical and Dental Mission ang Ganano Masonic Lodge #313 sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela ngayong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Byron Xavier Bacani, Chairman ng Medical and Dental Mission ng Ganano Masonic Lodge #313 sinabi niya na isasagawa ang dental mission sa oras na alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon.
Eksklusibo lamang naman muna ito sa mga residente ng Brgy. San Fabian na taunan na nilang aktibidad kung saan noong nakaraang taon ay sa Brgy. Soyung nila ito isinagawa.
Kabilang sa isasagawa ang feeding sa mga bata, libreng bunot ng ngipin at libreng konsultasyon o check up sa mga bata, matatanda, mas sakit sa balat at sa mata.
Mayroon din silang Ob-Gyne para naman sa cervical cancer awareness month kung saan may libreng PAP-Smear at libreng gupit sa mga lalaki at babae.
Isasagawa naman ang libreng medical and dental mission sa community center ng Brgy. San Fabian.
Ayon kay Dr. Bacani para ito sa mga residenteng kabilang sa poorest of the poor at upang matiyak na sila ay kabilang sa populasyon ay nagpalista sila sa barangay bago pa man ang medical and dental mission.