CAUAYAN CITY- Final touch na lamang ang ginagawa ng mga construction firms na nagpapatayo ng mga istruktura na gagamitin sa Paris Olympics.
Sa naging panayam ng Bomo Radyo Cauayan kay Dick Villanueva ng Paris France, halos tapos na ang lahat ng mga venues at pinupulido na lamang ang mga ito bago ang pagsisimula ng Paris Olympics sa buwan ng Hulyo.
Isa na rito ang malaking aquadome kung saan gaganapin ang mga swiming competitions katabi lamang din nito ang France Stadium kung saan ginanap ang World Cup noong 1998.
Mas naging mahigpit naman ang mga otoridad habang papalapit ang Olympics kung saan sa araw mismo ng pagsisimula ng mga palaro ay isasara ang ilang subways upang matiyak ang seguridad sa mga venues.
Matatandaang noong nakaraang taon ay kumalat ang security plan ng pamahalan sa Paris Olympics kaya mas lalo pang naghigpit sa seguridad ang pamahalaan dahil sa mga maaring threat na mangyari sa kasagsagan ng Olympics.
Dahil naman sa Olympics ay ipagpapaliban muna ng pamahalaan ang Pista sa Paris na gaganapin sana sa 16th district ng Paris dahil malapit ito sa mga Oympic Zones.
Ito ay inilipat sa buwan ng Setyembre upang matiyak ang seguridad sa kasagsagan ng Paris Olympics.