--Ads--
CAUAYAN CITY- Sisimulan na ng Barangay Marabulig 1, Cauayan City ang pagpapagawa ng mas matibay na Materials Recovery Facility o MRF upang masolusyonan ang problema sa basura.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Jaime Partido, aniya simula noong buwan ng Enero ay problema na nila ang pagtatapon ng basura ng kaniyang mga kabarangay.
Alinsunod sa direktiba ng DILG na paghihigpit sa pagpapatupad ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, agad na umaksyon ang pamunuan ng nasabing Barangay sa pagpapagawa ng matibay at pang matagalang MRF.
Katwiran umano ng mga residente na wala silang maayos na tapunan ng basura dahilan kung bakit agad silang magpapagawa ng MRF.
--Ads--