--Ads--

CAUAYAN CITY- Umabot na sa 21,000 bags ang nabiling palay ng National Food Authority (NFA) Cauayan sa mga magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ronald Acosta, warehouse supervisor ng NFA Cauayan, sinabi nito na dagsaan pa rin ang mga magsasakang nagbebenta ng palay sa kanilang bodega kayat malapit nang maabot ang target procurement nito na 25,000 bags ngayong quarter.

Marami pa ring interesado sa presyo na 30 pesos kada kilo sa dry habang 19-23 pesos kada kilo naman sa wet.

Hanggang isang daan na bags ng palay aniya ang kanilang kayang bilhin sa bawat  isang hektarya ng taniman.

--Ads--

Ayon pa kay Ginoong Acosta, kahit hindi na sila magsagawa ng mobile procurement ay kusang lumalapit ang mga farmers sa kanila para magbenta.

Kung sakali man na maabot nila  ang target ng ahensiya ay magpapatuloy pa rin aniya sila sa pagbili ngunit sa NFA-Luna na nila ito ibebenta dahil 25,000 na bags lamang ang kaya ng bodega ng NFA Cauayan.