CAUAYAN CITY – Tumaas ang palay procurement o buffer stock ng National Food Authority o NFA Region 2 matapos ipatupad ang mas mataas na buying price range ng National Food Authority kaya naglalaro na ngayon ang buying price ng palay sa 30 pesos para sa dry habang 24 pesos para sa sariwa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Rhic Ryan Lee Fabian ang Regiona Public Information Officer ng NFA Region 2 sinabi niya na nakabili na sila ng 897,000 bags o 94% ng kanilang target accomlishment.
Aniya naging malaking tulong ang pagkaka-apruba ng NFA council para umakyat ang procurement target ng NFA Region 2.
Dahil sa nakita ng mga magsasaka na nagkaroon sila ng karagdagang kita ay mas pinilipi na nilang magbenta sa NFA Region 2 na mas naging malaking tulong rin para sa mga nagsasaka ng palay.
Samantala, maliban sa mga buying stations o bodega ng NFA ay tuloy tuloy parin ang pag-iikot ng kanilang mga truck sa mga malalayong barangay para bumili ng aning palay.
Hinihikayat pa rin naman ng NFA Region 2 ang mga magsasaka na nais magbenta ng kanilang ani sa NFA na magtungo lamang sa kanilang mga bodega kung saan may form na pupunan na farmers information sheet.