CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang tulong para sa mga magsasaka kasabay ng deklarasyon ng State of Calamity sa Lalawigan dahil sa lumalawak na epekto ng El Nino Phenomenon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag ang Information Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sinabi niya na mula pa Enero ay nakapag bahagi na sila ng tulong para sa mga marginalized sector.
Kabilang sa kanilang nabigyan na ng tulong ay ang mga magsasaka, fisher folks na kwalipikado at karapat-dapat na mabigyan ng tulong na mga residente.
Sinimulan na rin nilang bumili ng palay sa mga magsasaka na malaking tulong para ma-stabilize ang presyo ng palay.
Bumili na rin sila ng buffer stocks sa NFA na 10,000 sacks bilang bahagi ng kanilang programa para masustain ang supply ng bigas sa lalawigan.
May interventions na rin silang ginagawa para sa mga magsasaka ng mais at high value crops.
Nakatakda ring ipatayo ngayong taon ang isang pasilidad kung saan mag proproduce sila ng organic fertilizers.