--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinatapon at ipinamimigay na lamang ang ilang aning mangga sa Isabela dahil sa dami ng supply at bagsak na presyo nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Frederick Marcos Cayaban, magsasaka ng mangga sa San Mateo, Isabela, sinabi niya na wala na silang mapagbentahan ng kanilang mga aning mangga dahil sa stop buying ang ilang biyahero dulot ng oversupply.

Mababa rin anya ang presyo ng mga biyahero dahil naglalaro lamang ito sa lima hanggang pitong piso bawat kilo.

Lugi anya sila rito dahil sa napakamahal na gastos sa pagpapalaki ng mangga maging sa pagpapapitas.

--Ads--

Sinubukan din aniya nilang magbenta sa mga pamilihan subalit walang bumibili dahil sa dami rin ng supply ng mga nagtitinda.

Dahil dito ay nasisira nalang ang ilan nilang aning mangga at itinapon habang ang iba ay ipinamimigay nina Ginong Cayaban sa kanilang mga kabarangay upang hindi anya masayang. 

Nanawagan naman siya sa pamahalaan na tulungan sila sa kanilang sitwasyon.