--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtangka na namang mambiktima ang isang scammer o budol-budol dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Vanlie Rose Andres, sinabi niya na dalawa sa kanyang negosyo ang sinubukang biktimahin ng budol budol o scammer sa magkaparehong araw.

Aniya pinag-aaralang mabuti ng mga scammer ang kanilang panloloko dahil ipinagtataka nila kung bakit kilala sila at ng kanyang mga kapatid ng kausapin ng scammer ang kanyang staff sa negosyo.

Dagdag pa ng ginang, na ang modus umano nang scammer ay magpapakilalang kaibigan o kinauutangan ng amo ng mga staff sa establishimento at maniningil o hihingi ng pera na siyang magiging paunang bayad sa sinasabi nitong utang na wala namang katotohanan.

--Ads--

Aniya laking pasalamat pa rin nila dahil naging listo sila at hindi sila agad nagbibigay ng kung ano man lalong lalo na sa mga hindi nila kilala.

Nagpaalala naman si Ginang Andres sa lahat na maging mapanuri at mapagmatyag upang sa ganon ay hindi mabiktima ng mga kawatan, budol budol o mga scammer.