--Ads--

CAUAYAN CITY-

Nagpakita sa baybayin ng Casiguran, Aurora ang ilang butanding habang nagbubuga ng balao o alamang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Wilfredo Cruz ng BFAR Region 3 sinabi niya na na ang klase ng butnding na namataan sa Casiguran, Aurora ay siya ring species na matatagpuan sa Sorsogon.

Isa sa mga nakikitang dahilan sa pagpapakita ng mga butanding ay ang pagkakaroon ng hitik na balao sa Casiguran bay.

--Ads--

Gaya noong nakaraang taon ay maraming balao din ang padpad sa dalampasigan nakaunan ay naglabas ng masangsang na amoy sanhi para magreklamo na rin ang ilang negosyo sa lugar.

Maliban sa mga alamang ay isa rin sa pagkain ng butanding at iba pang marine mamals ay sardines na dahilan para mapadpad sila sa municipal waters.

Sa ngayaon ay nakapagtala na sila ng Marine Mamal Stranding sa iba’t ibang coastal areas sa buong bansa at pinaka marami ang naitala sa Region 1.