CAUAYAN CITY- Pinuna ni Liga ng mga Barangay Federation President Eduardo Viernes ang mga truck na may kargang tubo na bumibiyahe ng walang safety net sa San Mariano, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan pinuna ng LNB President ang pagbiyahe ng mga truck na may kargang tubo na walang gamit na safety net dahil na din sa bilang ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga ito.
Madalas na overloaded ang mga truck na siyang sanhi para maglaglagan ang mga tubo sa kalsada.
Batay sa mga kinauukulan, bukod sa pagsita sa mga ito ay binibigyan ng citation ticket ang mga truck na walang safety net.
Ayon pa sa mga impormasyon na dahil sa hindi pagbabayad ng multa ng mga may-ari ng truck bilang tugon ng Sanguninang Bayan ng San Mariano ay mas papaigtingin ang umiiral na ordinansa kung saan hindi papayagang bumiyahe ang mga truck na walang net o binder.