--Ads--
CAUAYAN CITY – Ikinalungkot ng simbahang katolika ang pag-apruba ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Divorce Bill.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Vener Ceperez, Social Communications Director ng Diocese of Ilagan, sinabi niya na tila ginagamit ng mga mambabatas ang kanilang kapangyarihan para isabatas ang kanilang mga ninanais kahit ito ay hindi moral.
Anya, sa halip na paghihiwalay ng mag-asawa ay mas mainam anyang tugon sa problema ng pamilya ang pagtiyak na handa ang mga magkasintahan na pumasok sa pag-aasawa.
Umaasa rin siya na kapag nakarating na sa Senado ang panukala ay tututulan nila ang naturang usaping.
--Ads--