--Ads--

CAUAYAN CITY- Tututukan ng  Department of Environment and Natural Resources Region 2 ang nagaganap na illegal logging operation sa City of Ilagan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gwendolyn Bambalan, Regional Executive Director ng DENR Region 2 sinabi niya na binabantayan nila ang Abuan River na kung saan nakumpiska kamailan ang 5,000 board ft ng indigenous na kahoy.  

Samantala, bumaba naman ang bilang ng illegal logging hotspot sa rehiyon.

Ayon pa kay Regional Executive Director Bambalan, naalis na ang Jones, Isabela at Baggao, Cagayan sa listahan ng illegal logging hotspot dahil sa mababang kaso ng naitalang illegal logging activity sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Aniya, malaking tulong naman ang Forest Protection Committee na binuo sa lalawigan ng Isabela upang tuluyang masugpo ang usapin sa illegal logging.

Sa pamamagitan ng nasabing komite ay nasusubaybayan umano ang illegal logging sa rehiyon dahil katuwang din dito ang iba’t-ibang enforcement agencies sa pagbabantay.