--Ads--

CAUAYAN CITY- Walang mapagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ng isang Isabeleño na nakapasok sa National Topnotchers sa katatapos na Licensure Examination For Teachers o LET .

Nakuha ni Gisellle Banta ng Angadanan, Isabela ang Rank Number 10 sa National Topnotchers sa Elementary Level sa katatapos na pagsusulit.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Giselle na una niyang nalaman na siya ay nakapasok sa topnotchers matapos siyang makatanggap ng mga mensahe ng pagbati mula sa kaniyang mga kaibigan.

Aniya na labis ang excitement na kaniyang naramdaman ng matanggap ang magandang balita kaya hindi niya naiwasang maging emosyonal.

--Ads--

Bilang examinee ay may mga tanong siya na hindi niya inaasahang lalabas sa pagsusulit lalo na at karamihan sa mga tanong ay hindi niya na review.

Dahil nagtapos na Cum Laude sa Isabela State University- Echague Campus ay nakaramdam din siya ng pressure para makapasa sa pagsusulit.

Sa katunayan aniya ay dalawang beses siyang nag review at ilan sa kaniyang paghahanda ay ang panalangin dahil ilang araw bago ang pagsusulit ay nagtungo siya kasama ang kaniyang mga kaibigan sa simbahan at humingi ng gabay sa Panginoon sa pamamagtan ng panalangin.

Ang kaniyang tagumpay ay iniaalay niya sa kaniyang mga magulang lalo sa kaniyang ama na siyang nanghikayat sa kaniya na kumuha ng kursong Education.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng kaniyang mga naging guro na naging bahagi ng kaniyang journey.

Ilan sa mga paniniwala tuwing may board exam ang kaniyang ginawa dahil nagpatasa siya ng palis na gagamitin niya sa exam sa kaniyang ate na pumasa rin sa board examination, nagsuot din siya ng red underwear at iniwan na niya ang lapis na kaniyang ginamit sa exam sa silid aralan kung saan siya kumuha ng pagsusulit.