--Ads--

CAUAYAN CITY – Aminado ang City Health Office Santiago City na nagkukulang na rin ang anti-rabies vaccine sa Lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Santiago City Health Officer Dr. Genaro Manalo, sinabi niya na kaniya-kaniya nang bili ng bakuna ang mga pasiyente ng anti-rabies dahil sa kakulangan ng bakuna sa Lunsod.

Tatlo hanggang apat na bakuna ang kailangan ng mga pasyenteng nakagat ng hayop gaya ng aso kung kayat may kalakihan din ang gastos ng mga pasiyente para sa bakuna.

Tiniyak naman niya na nagpapatuloy ang pagsisikap ng General Service Office sa lungsod upang makahanap ng supply ng bakuna.

--Ads--

Wala pa anyang nasasawi sa Santiago City dahil sa rabies.