--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaliwanag ang NIA- MARIIS Division IV kung bakit may mga lugar pa rin sa lungsod ng Cauayan ang hindi pa rin napapatubigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Efren Robang, Manager ng NIA MARIIS Division IV, sinabi niya na aabot kasi sa 2,304 ektaraya ang hindi mapapatubigan sa Lungsod ng Cauayan na kinabibilangan ng mga sakahan sa Barangay Daburab, San Francisco, San Antonio, Culalabat, Baringin, Rizal, Buena Swerte at Labinab dahil sa mababang antas ng tubig sa Magat Dam na dulot ng El Nino.

Ngayong cropping ay nasa 5,240 lamang ang sakop ng program area sa Lungsod.

Sa kabila nito ay pipilitin pa rin anya nilang makapagpatubig sa mga unprogrammed areas kung saan maaari na anyang magsimulang maghanda ng sakahan ang mga apektadong magsasaka basta’t handa silang makipagsapalaran.

--Ads--

Anya, gagawin nila ang kanilang makakaya para makapag-hatid pa rin ng tubig sa mga apektadong lugar.

Maliban sa ilang Barangay sa Lungsod ng Cauayan ay apektado rin ng kawalan ng patubig ang bayan ng Reina Mercedes na may 1,078 hectares affected areas habang 148 hectares naman sa bayan ng Naguilian.