--Ads--

Sinisiyasat ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y insidente ng hazing na kinasasangkutan ng isang patrolman sa lalawigan ng Isabela na umano’y binugbog ng tatlo pang pulis noong Mayo 24, ayon kay PCol. Jean Fajardo.

Sinabi ni Fajardo nitong Lunes na iimbestigahan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang mga pangyayari sa 26-anyos na si Patrolman Jeremy Matthew Padilla, na itinalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 2 sa Barangay Macalauat, Angadanan, Isabela.

Itinanggi naman ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 2 ang mga alegasyon at sinabing walang hazing na nangyari, at ang mga kaklase ni Padilla ay nagsagawa na ng affidavit na nagsasaad na nagsasagawa sila ng patuloy na IAD bilang bahagi ng kanilang pagsasanay doon.

Ayon naman sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 2, na wala umanong naganap na hazing.

--Ads--

Dagdag pa umano nila na nagbigay na ng affidavit ang mga kaklase ni Padilla at sinabing bahagi umano ng kanilang kasalukuyang training ang  Immediate Action Drill o IAD.

Sa ngayon ay sumasailalim na sa imbestigasyon ang tatlong pulis na nababanggit ni Padilla.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinuntok umano ng tatlong pulis si Padilla sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at hinampas dina siya ng kahoy o padel.

Ibinunyag din ng Isabela Provincial Police Office na binalot umano ng isa sa mga pulis ang katawan ni Padilla ng kapote at tinakpan ang kanyang mukha ng basang damit.

Lumabas naman sa medical examination na isinagawa sa Cauayan City District Hospital na ang biktima ay dumanas ng multiple physical injuries secondary to mauling, kabilang ang hematoma sa kanang upper quadrant ng kanyang tiyan, hematomas sa anterior at posterior aspects ng kanyang kanang hita, hematoma sa kanyang kaliwang bisig at mga gasgas sa magkabilang tuhod.