CAUAYAN CITY – Nagkaroon ng bahagyang paggalaw sa presyo ng mga agricultural supplies o products ngayong cropping season.
Dahil sa nararanasang pag-ulan ay nagsisimula nang magtanim ang mga magsasaka dahilan upang maramdaman ang pagtaas ng presyo ng ilang binhi at pagbaba naman sa presyo ng ilang abono.
Ngayon ay tumaas ng dalawanpung piso ang 6130 na binhi na nagkakahalaga na ng P5,170, ang 6410 VIP ay nagkakahalaga ng P5,585, ang 8840 VIP ay nagkakahalaga ng P4,770, at 3582 na nagkakahalaga ng P5,470
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Lyra Barroga, salesclerk, sinabi niya na sa ngayon ay nagkakaubusan na sa kanilang tindahan ang mga binhi kung saan dalawang produkto nalang ang natitira.
Sa ngayon aniya ay P4,750 at P6,100 nalang ang natitirang produktong binhi na kanilang binebenta.
Ang presyo naman umano ng abono na pang basal kung tawagin, ang 14-20-0 ay nagkakahalaga ng php1,170 hanggang php1,270. Ang 0-0-16 naman ay nagkakahalaga ng php2,000.
Ang sulfate naman ay bumaba ng 10 pesos habang ang 46-0-0 ay tumaas ng 20 pesos.
Inaasahan naman aniya na mas matindi ang paggalaw sa presyo sa mga susunod na araw, kung saan inaasahan na tataas ang presyo dahil sa sunod sunod na ang mga nagpapatanim.