--Ads--

CAUAYAN CITY – Binabantayan ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga quarrying activities sa lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DENR Regional Executive Director Gwendolyn Balbalan kanyang sinabi na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya upang hindi na lumaki ang problema sa mga quarrying.

Aniya hindi naman umano ito bawal ngunit kailangan itong gawin nang tama upang hindi makasira sa kalikasan.

Bawat probinsiya sa lambak ng Cagayan ay dapat magkaroon ng kautusan na gawin ang quarrying sa gitna ng mga ilog at huwag sa gilid.

--Ads--

Dahil umano sa ganitong gawain kaya patuloy na lumalaki ang mga ilog o nagiging dalawa ang ilog lalo na kung mayroong mga bagyo.

Ayon naman kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Orly Cariazo, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad maging sa mga barangay upang mapangalagaan ang kalikasan.

Isa sa binabantayang problema sa kalikasan ay ang iligal na pamumutol ng kahoy na naitatala sa iba’t ibang mga bayan sa Isabela.