--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinalakay sa seminar na naganap sa lungsod ng Cauayan ang pagbabawal sa online selling ng paputok sa Region 2 at Cordillera Administrative Region.

Nililibot ng Philippine Pyrotechniques Manufacturers and Dealers Association Inc. Ang buong rehiyon sa Pilipinas at natuklasan nilang laganap na ang bentahan ng paputok sa online.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Marlene Lea Alapide, presidente ng Philippine Pyrotechniques Manufacturers and Dealers Association Inc. Na nanguna sa Fireworks Safety ang Display Operators Seminar sinabi niya na pangunahing dahilan kung bakit sa online nagbebenta ang ilan ay dahil hindi nabigyan ng permit ang kanilang manufacturer at dealers.

Taong 2018 pa pinahinto ang pagbbigay ng permit sa mga bagong manufacturer at dealers ng paputok kaya sa mga social media na nagbebenta ang ilan na walang permit.

--Ads--

Ayon kay Alapide bukod sa delikado ang pamimili ng paputok sa online, hindi rin nakatitiyak ang mamimili kung may label ang paninda.

Maraming dealer na ang nagagalit dahil sa hindi masugpo ng PNP ang laganap na bentahan ng paputok sa online.

Hanggang Setyembre ang nakatakdang pag-iikot ng grupo sa Pilipinas at susunod nang isasagawa ang inspeksyon sa mga bentahan ng paputok.

Aniya malaking bagay ang mga isinasagawang seminar upang malaman ng mga manufacturer at dealer ang mga patakaran na dapat nilang sundin.