CAUAYAN CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang finishing touches sa mga temporary platforms at gusaling gagamitin sa nalalapit na 2024 Paris Olympics.
Sa naging panyam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva may mga inilagay ng road blocks sa Place de la Concorde bagamat may inilaan naman para sa bike lanes at pedestrian.
Sa mga nasabing lugar isasagawa ang 3×3 basketball, skateboarding at BMX Freestyle.
Patapos na rin ang installation ng venue sa Pont du Carrousel na una na ring isinara upang bigyang daan ang paghahanda sa Olympics.
Sarado na rin sa mga sasakyan ang Torocadero at sa mismong Eiffel Tower.
Tinatayang aabot sa 185 kilometers na kalsada at halos mahigit kalahati ng Paris ang magkakaroon ng restriksyon sa kasagsagan ng palaro.
Tatawagin ang mga nasabing kalsada na Olympic lanes at ayon sa International Olympic Committee, mga athletes, cabs, public transport vehicles, rescue workers at media lamang ang pwedeng dumaan mula alas sais ng umaga hanggang hatinggabi.