--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinalakay sa naganap na public hearing ng Sangguniang Panlunsod ng Cauayan ang problema kaugnay sa mga nakalaylay na kalbe ng kuryente.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlunsod Member Paolo Eleazar Miko Delmendo sinabi niya na kasama ang mga service providers at ang Isabela Electric Cooperative 1 ay tinalakay ang pagsasaayos sa naturang mga kalbe ng kuryente at telekomunikasyon bago paman maramdaman ang apekto ng La Niña.

Giit niya na delikado ito lalo at maaaring matumba ang mga poste o kaya maputol ang kalbe kung makakaranas ng malalakas na paghangin tuwing may pag-ulan na lubhang mapanganib para sa mga motorista.

Nagbabala din ang konsehal na maaaring mapatawan ng kaukulang multa ang mga service providers na hindi makikiisa sa pagsasaayos ng mga dangling wires.

--Ads--