CAUAYAN CITY – Nanawagan ang ilang senador na buwagin ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO matapos madiskubre ang mga militar uniform ng China kasabay nang isinagawang raid sa isang POGO hub sa Porac, Pampanga.
Kabilang sa mga nanawagan ay sina Senator Risa Hontiveros, Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Grace Poe.
Ayon kay Hontiveros, maliwanag na pinagsasamantalahan ng lahat ng POGO ang kahinaan ng ekonomiya ng bansa at nagiging breading ground na ito ng krimen at isang national security threat.
Aniya, ang pagkakadiskubre ng mga umano’y mga uniporme ng People’s Liberation Army sa compound ng “Lucky South 99” ay nagpapatunay sa mga natuklasan ng mga intelligence agencies na nagkaroon ng ugnayan sa pagitan ng mga POGO at “foreign intelligence assets.”
Matatandaan na inihayag ng sandatahang lakas ng pilipinas na na ang limitadong bilang ng mga sinasabing Chinese military uniforms na natagpuan sa POGO hub ay nagpapahiwatig na ang mga ito ay maaaring ginamit lamang bilang props sa mga bawal na transaksyon online.
Samantala, ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian na ang pagkakadiskubre sa mga naturang uniporme ay isang national security threat.
Tinawag naman ni Sen, Grace Poe na “kakila-kilabot at magastos para sa mga Pilipino ang operasyon ng POGO Kaya dapat na ipagbawal na ang mga operasyon nito sa bansa.