CAUAYAN CITY- Nananatiling drug free ang 20 barangay sa lungsod ng Cauayan matapos itong ideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang mga barangay na kabilang sa drug free ay ang Brgy. Catalina, Cassap Fuera, Carabatan Grande, Casalatan, Manaoag, De Vera, Rogus, Rizal, Cabugao, Linglingay, Baringin Norte, Union, Villa Flor, Carabatan Bacareño, Disimuray, Andarayan, Marabulig 2, Nagcampegan, Sinippil at San Pablo.
Habang ang 45 na barangay naman ay idineklarang drug cleared.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Esem Galiza, ang Deputy Chief of Police ng Cauayan City Police Station aniya tuloy tuloy ang kanilang barangay visitation upang turuan ang mga opisyales ng barangay sa tamang paggawa ng Barangay Anti-Drug Abuse Plan of Action(BADPA).
Ayon pa rito, layunin ng kanilang barangay visitation na mapaigting ang kampanya kontra droga upang mapanatiling drug cleared ang lungsod ng Cauayan at para sa isasagawang symposium.
Maaari kasi aniyang makaapekto sa estado ng Cauayan kung sakali man na matanggal sa listahan ng drug cleared at drug free ang isang barangay.
Samantala, ngayong buwan ay muling bibisitahin ng mga kapulisan ng Cauayan City Police Station ang mga drug cleared barangays para sa assessment.