--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahan na ng isang sports analyst ang mataas na agwat sa scoring sa Game 4 ng NBA finals sa pagitan ng Dallas Mavericks at Boston Celtics.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Karl Batungbacal, isang sports analyst sinabi niya na sa Game 3 ay nagtapos sa 99-106 panalo ang Celtics kaya maaring ganito rin ang gagawing opensa ng Celtics para tapusin na sa sweep ang Dallas.

Batay sa NBA history wala pang team na nakakabawi sa 3-0 sweep kaya maaring tapusin na ito ng Celtics.

Aniya sa PBA lang nagkaroon ng 3-1 score sa Finals na naitala ng San Miguel Beermen ngunit sa NBA ay ibang usapan na dahil magkaiba ang laruan ng dalawang liga.

--Ads--

Upang makabawi naman ang Dallas ay kailangang maglock in si Luka Doncic sa depensa dahil dito sila nalalamangan ng Celtics na halos lahat ng players ay lock in sa depensa mula Game 1.

Iwasan na rin aniya sana ni Luca ang pagiging mareklamo sa mga referee dahil hindi ito nakakatulong sa kanilang laro.

Umaasa siyang mabibigyang pansin ito ni Coach Jason Kidd upang sila ay makabangon sa Game 4.

Kapag hindi aniya ito magawan ng paraan ay magmimistula itong bangungot kay Luca na first time na makapasok sa NBA Finals at magkakaroon ng sweep record.