CAUAYAN CITY- Gagawa narin ng hakbang ang Public Order and Safety Division o POSD kaugnay sa mga patuloy na naglalagay ng obstruction sa mga gilid ng kalsada sa kabila ng kanilang road clearing operation.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na naiturn over na nila sa mga Punong Barangay ang pagpapatupad ng road clearing operation sa kanilang nasasakupan.
Bilang tugon at para sa monitoring ay magsasagawa si ng Simultaneous Road Clearing Operation kasama ang DILG sa mapipili nilang barangay para matiyak na maayos itong naipapatupad sa buong lunsod.
Matatandaan na unang nakatanggap ng reklamo ang Bombo Radyo Cauayan kaugnay sa umanoy tambak ng graba sa harapan ng Community Center ng Barangay Labinab na agad namang tinugupan ng pamahalaang lokal.
Paalala ng POSD na bawal ang paglalagay ng anumang obstruction sa kalsada na makakaapekto sa daloy ng trapiko at mga pedestrian kaya hinikayat nila ang lahat na makiisa sa naturang programa ng pamahalaang lunsod at ng kanilang tanggapan.