--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng kilos protesta ang mga Pilipino sa France upang ipanawagan ang pagtigil ng China sa pambubully sa Pilipinas sa karagatang sakop nito.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, isasagawa ng aabot sa dalawandaang Pilipino ang kilos protesta sa harap ng Chinese Embassy sa ikadalawamput siyam ng Hunyo.

Tumitindi na aniya ang pambubully ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea at bilang pakikiisa sa mamamayang Pilipino ay isasagawa ng mga Pilipino sa France ang isang kilos protesta laban sa China.

Nais nilang paalisin ang mga barko ng China sa WPS dahil ito ay tunay na pag-aari ng Pilipinas at walang karapatan ang China na angkinin ito.

--Ads--

Una nang nagsagawa ng kilos protesta ang mga pilipino sa nasabing bansa nang magsimula ang China sa pambobomba ng tubig sa mga barko ng Pilipinas.

Maliban dito ay ilalabas din nila ang kanilang hinaing sa administrasyong Marcos.

Aniya may itinakda namang lugar at kung ilang oras ang pamahalaang France para sa pagdaos nila ng programa kaya inaasahan ang matiwasay na kilos protesta.