CAUAYAN CITY- Narekober ng mga sundalo ng 103rd Infantry Battalion sa ilalim ng 503rd Brigade at ng mga tropa ng 24th Infantry Battalion at 102nd Infantry Battalion sa ilalim ng 501 Brigade at sa tulong ng lokal na komunidad ang armed cache o imbakan ng armas ng New Peoples Army sa Sitio Talaay, Barangay Bunglo, Licuan-Baay, Abra.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPAO Chief Army Major Rigor Pamittan sinabi niya na nadiskubre ang Improvised Explosive Device (IED), kasama ang mahahalagang medical at food supplies na hinihinalang pag mamay-ari ng RYS, RSDG at KLG sa North Abra.
Sa tulong ng mga concerned citizen ay matagumpay na narekober ang mga kagamitang pangdigma na ginagamit ng mga CTG sa pagsasagawa ng mga taktikal na opensiba at pananambang laban sa mga tropa ng gobyerno.
Ayon pa kay Army Maj. Pamittan na nauna nang nagbalik loob ang NPA member na siyang nakatalaga sa paggawa ng IED at ang hinihinalang mga narekober sa Sitio Talaay ay iilan nalamang sa mga naitagong IED ng mga nalalabing miyembro ng NPA.
Sa ngayon ay nagsasagawa sila ng monitoring para matukoy kung may mga IED na naitanim ang mga NPA sa naturang lugar.
Matatandaan ay kamakailan ay sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng Militar at KLG Baggas kaya masigasig ang militar para hanapin ang mga itinagong armas ng naturang grupo.