--Ads--

CAUAYAN CITY- Natapos na ang konstruksyon ng runway light at ramp light sa Cauayan City Domestic Airport sa Cauayan City, Isabela.

Ito ay sinimulan noong buwan ng Abril at natapos noong ika-tatlumpu ng Mayo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Eduard Caballero, hepe ng Cauayan City Police Station sinabi niya na ang nasabing runway light at ramp light ay makatutulong lalo na kapag masama ang panahon.

Aniya, sa tulong ng mga runway light ay hindi na kinakailangan pang mag-cancel ng flight kapag makulimlim ang panahon dahil tinutulungan nito ang mga piloto na i-navigate ang runway.  

--Ads--

Isa umano ito sa simula ng pag-improve ng facilities ng airport at dahil dito ay pinaplano na nila na magkaroon ng karagdagang flights lalo na sa gabi.  

Bagama’t tapos na ang konstruksyon ng ramp at runway light ay hindi pa ito totally ginagamit dahil kinakailangan pa itong suriin ng maayos.