--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagyang nagkabanggaan umano ang barko ng pilipinas at barko ng china malapit sa ayungin shoal.

Batay sa ulat ng China Coast Guard, kanilang sinisi ang Pilipinas sa naturang insidente.

Sinasabing lumapit umano ito sa kanilang barko at dito na nagkaroon ng banggaan.

Iginiit ng China na ilegal umanong pumasok ang Pilipinas sa Ayungin Shoal.

--Ads--

Ang naaturang insidente ay sa gitna ng tumataas na tensiyon sa WPS, lalo na nang sabihin ng China na dapat na sabihan muna sila kung papasok ang mga barko ng bansa sa Ayungin Shoal.

Matatandaan na ang Ayungin, ay bahagi ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas batay narin sa ruling kaugnay sa arbitration case sa pagitan ng Pilipinas at China noong taong 2016 bagay na kinampihan naman ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)