--Ads--

CAUAYAN CITY- Dismayado ang ilang mga motorista sa bigtime oil price hike na nagsimulang ipatupad ngayong araw.

Nagsipag habol na ang ilang mga motorista sa pagbili ng mga produktong petrolyo bago pa man maipatupad ang oil price hike kaninang umaga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay kay Romeo Oficial, Tricycle Driver aniya na mabigat umano sa bulsa ang bawat sentimong itataas lalo na sa mga katulad niyang namamasada.

Pagkatapos mamasada kagabi ay nagpa-gas na sila upang kahit papaano ay makatipid.

--Ads--

Gayunpaman, gustuhin man umano nilang magpa full tank ay hindi naman aniya sapat ang kanilang kinikita sa pamamasada.  

Aniya, mabigat ito para sa kanila dahil tuwing roll back ay ilang sentimo lamang ang ibinababa, samantala kung magkakaroon naman aniya ng price increase ay umaabot pa sa piso hanggang dalawang piso ang itinataas .

Kaugnay nito ay wala naman aniya silang magagawa kung hindi maghintay na lamang na tumaas ang singil sa pamasahe upang mabawi ang gastos sa produktong petrolyo.