--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagbabala ang isang doktor ukol sa paggamit ng mga siling labuyo bilang gamot sa dengue.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mel Lazaro kanyang sinabi na kulang pa sa pag-aaral para masabing kayang gamutin ng mga siling labuyo ang nasabing sakit.

Bikod sa siling labuyo, isa pa sa madalas na pinaniniwalaang gamot sa dengue ay ang tawa-tawa na wala umanong patunay na ito’y epektibo.

Ang pinakamaganda umanong gawin kapag nakakaranas na ng sintomas ng dengue ay magtungo sa ospital at magpasuri sa doktor.

--Ads--

Delikado umano kung hindi magagamot kaagad ang dengue dahil maaari itong maging dahilan ng pagkamatay.

Pinaalalahanan naman niya ang publiko na maging malinis sa paligid upang walang paging pamugaran ang mga lamok.