--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinaliwanag ng Department of Labor and Employment o DOLE Isabela na mayroon lamang mga lugar sa barangay ang pwedeng pagtrabahuan ng mga TUPAD beneficiaries.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Supervising Labor Employment Officer Froctoso Agustin ng DOLE Isabela kanyang sinabi na dapat sa mga pampublikong lugar nagtatrabaho ang mga TUPAD beneficiaries gaya ng mga eskwelahan, pampublikong kalsada at iba pa.

Aniya hindi maaaring maglinis sa mga pribadong lugar ang mga beneficiries at mahigpit itong ipinagbabawal.

Pinayuhan naman ng DOLE ang mga benificiaries na mag-report sa kanila kung sakaling sa mga pribadong lugar sila pinaglinis ng mga opisyal ng barangay upang kanila umano itong maimbestigahan.

--Ads--

Kailangan umanong ma-impelement ng maayos ang programang TUPAD upang maayos na matulungan ang mga residente na walang trabaho.