--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinagalak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 ang pagkakasali bilang finalist ng lalawigan ng Isabela, Quirino at Nagassican Santiago City sa Walang Gutom Awards.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2 sinabi niya na ang Walang Gutom Awards ay inisponsoran ng DSWD at Galing Pook Foundation.

Ibat ibang programa at serbisyo ang isinakatuparan ng labimpitong finalist mula sa ibat ibang lugar sa bansa upang matugunan ang involuntary hunger at kahirapan.

Ayon sa mga organizer, ang programa ay dapat na operational ng hindi bababa sa isang taon at dapat itong magpakita ng makabuluhang resulta sa pagpapabuti ng food security at nutrisyon sa komunidad.

--Ads--

Aniya sa susunod na linggo na ang final interview habang sa ikadalawamput anim naman ng Hunyo ang awarding na isasagawa sa DSWD Central Office sa Quezon City.

Ayon sa DSWD ang mga LGUs na may pinakaepektibong anti-hunger initiatives at practice sa food security ay makakatanggap ng tig-2 milyon pesos bawat isa.

Aabot aniya sa mahigit isandaan ang sumali sa search at tanging labimpito lamang ang napili para sa national finals.

Aniya ilan lamang sa mga inisyatibo ng DSWD upang matugunan ang kahirapan at gutom ang food stamp program na inumpisahan sa San Mariano Isabela at inaasahang palalawakin pa ito sa lalawigan.

Umaasa naman ang DSWD Region 2 na mapapabilang ang tatlong finalist ng Region 2 sa nasabing awards dahil malaking tulong ito upang mas lalo pang pag-igihan ng mga LGUs ang kanilang mga adhikain na matulungan ang mga mahihirap na pamilya sa kanilang nasasakupan.