CAUAYAN CITY – Kailangan manindigan ng Pilipinas kasama ang International Community at isulong ang karapatan sa West Philippine Sea.
Ito ay kaugnay sa naganap na insidente sa kasagsagan ng Resupply Mission sa Ayungin Shoal na ikinasugat ng ilang sundalo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa former President ng Integrated Bar of the Philippines sinabi niya na malaking bagay ang mga bagong pahayag ng Department of National Defense kaugnay sa kamakailang insidente sa Ayungin shoal na nagresulta sa pagkasugat ng ilang sundalo.
Aniya bagamat malinaw na ayaw ng Pilipinas ng giyera ay hindi dapat ito ulit-ulitin ng mga opisyal ng pamahalaan lalo at napanood na ng taumbayan ang mga lumutang na video footage sa naturang agresyon ng China Coast Guard kung saan inagaw nila ang mga supply mula sa barko ng Philippine Coast Guard ay nagpahayag ng magkasalungat na pananaw sina kalihim Lucas Bersamin at Gilbert Teodoro.
Ang advantage ng pag aanunsyo na hindi aksidente at sinadya ng harrasment ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal ay makakatulong para mabigyang linaw at magkaroon ng ideya ang mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.
Kung sakali man aniya ay posibleng humupa ang tensyon kung makikita ng China na seryoso ang mga kaalyadong bansa ng Pilipinas na seryoso sila sa pagsusulong ng karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa kabila ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea ay dapat maisulong ang pambansang interes na magpapalakas at magsusulong ng modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.