--Ads--

CAUAYAN CITY- Panandalian lamang ang pag-ulan na nararasan ngayong araw sa ilang bahagi ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng DOST-PAGASA, sinabi niya na bagama’t nakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ay hindi naman umano ito magtatagal dahil balik na ulit sa normal ang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.

Mayroon namang minomonitor na Low Pressure Area ang Pagasa sa loob ng Philippine Area of Responsibility ngunit malabo umano itong maging isang bagyo.

Sa ngayon ay Easterlies pa din ang nakakaapeto sa hilagang bahagi ng Luzon habang nakakaapekto naman ang Intertropical Convergence Zone sa Mindanao.

--Ads--

Nilinaw naman niya na bagama’t pormal nang idineklara ng Pagasa ang onset ng rainy season ay hindi pa din ito makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa dahil western part lamang ng Pilipinas ang naaapektuhan ng habagat.

Ayon kay Tuppil, kapag mayroong monsoon break ay nakakaranas ng dry condition ang Lambak ng Cagayan dahil mahina ang southwest monsoon.

Normal lang naman ang ganitong klase ng panahon tuwing buwan ng Hunyo at unang kalahating bahagi ng buwan ng Hulyo maliban na lamang kung lalakas ang southwest monsoon.

Pinag-iingat naman niya ang publiko na manatili sa loob ng bahay kung may nararanasang mga pagkulog at pagkidlat.