--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang Lunsod ng Santiago ng pangalawang kaso ng pertussis.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Health Officer Dr. Genaro Manalo, sinabi niya na ang ikalawang kaso ng pertussis ay isang taong gulang na batang babae na anak ng isang ambulant roving vendor.

Aniya, dahil madalas isinasama ng mga magulang ang bata sa pagtitinda ay posibleng nakuha niya ang sakit sa kanilang pinupuntahan.

Dahil sa matinding ubo at hirap sa paghinga kung kayat sumailalim sa swab testing ang bata at doon na kumpirma na positibo ito sa Pertussis o whooping caught kung kaya’t siya’y inadmit sa Southern Isabela Medical Center.

--Ads--

Matapos naman ang limang araw na pagpapagaling ay na nakalabas rin sa pagamutan ang bata habang patuloy na inoobserbahan.

Nagsagawa na ng pagbabakuna ang City Health Office sa Barangay Rosario kung saan naitala ang pangalawang kaso ng sakit upang magkaroon ng proteksyon ang mga bata.