CAUAYAN CITY- Nabahagian ang mahigit apat na libong benepisyaryo ng Isabela Recovery Initiatives to Support Enterprise o I-rise beneficiaries ng libreng bigas sa lungsod ng Cauayan na ginanap sa FL Dy Coliseum.
Ito ay kinabibilangan ng nasa 3,826 na mga tricycle drivers, 404 na Persons with Disabilities o PWDs at nasa 403 na fisherfolks.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cecilia Claire Reyes, Manager ng Public Employment Service Office o PESO Isabela sinabi niya na ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng sampung kilo ng bigas.
Aniya, maging ang mga I-RISE beneficiary sa Angadanan, Benito Soliven, San Mariano at Delfin Albano ay nabahagian din ng libreng bigas.
Tinatayang nasa humigit kumulang 450 million naman ang budget ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong taon para sa nasabing programa.
Sa mga susunod na mga buwan ay mapapabilang naman sa naturang programa ang mga rebel returnees sa lalawigan.