--Ads--

CAUAYAN CITY – Tututukan ng Public Order and Safety Division ang paniningil ng sobra at pang ba’body shame ng ilang mga namamasadang tsuper sa ilang mga pasahero.

Ito ay matapos mapag-alaman na ilang estudyante ang sinisingil ng mga tsuper ng tricycle ng higit sa 15 pesos na regular fare sa loob lamang ng Poblacion area.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na dapat ay walang kalakaran na pamimili ng pasahero at paniningil ng doble dahil lamang sa laki ng katawan ng isang pasahero.

Aniya, pinaiiral din ang anti-bastos at parte pa rin ng pambabastos ang ginagawang pang ba body shame sa isang tao.

--Ads--

May karampatang kaparusahan aniya ang ganitong gawain ng mga tsuper.

Dagdag pa niya, tuloy tuloy nilang i mo-monitor ang mga tsuper at ipapahanap na ang tricycle driver na nambastos di umano sa isang pasahero.

Kaugnay nito, pinaalalahanan niya ang lahat ng mga namamasada ng pampublikong sasakyan na ugaliin ang paggalang sa mga pasahero at huwag maging mapagsamantala sa pamasahe.

Maaari namang kausapin ang mga pasahero para sa mapagkasunduang pamasahe kung malayo ang destinasyon att kung hindi naman sang-ayon ang pasahero ay mananatiling 15 pesos ang babayaran sa poblacion area.