--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinuturing ngayon bilang person of interest ng Tumauini Police Station sa pagkamatay ni Camille Balayan ang kanyang live in partner.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao, ang hepe ng Tumauini Police Station, sinabi niya na matapos maproseso ang bangkay ni Camille na natagpuan sa isang sakahan sa bayan ng Tumauini ay nangalap sila ng mga ebidensya kabilang ang tire mark ng isang sasakyan sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay niya na posibleng mag turo sa salarin.

Isinailalim sa forensic examination ang sasakyan ng live in partner ng biktima kung saan  nakakuha sila ng ilang bakas ng dugo sa floor mating at upuan.

Batay sa medico legal officer death by suffocation ang ikinamatay ng biktima na posibleng tinakpan ang bunganga at ilong nito sanhi para mamaga ang kaniyang lalamunan.

--Ads--

Sa nakuhang CCTV footage ng Ilagan City Police station si Pahimna ang huling nakasama ni Camille bago ito natagpuang patay.

Sa ngayon ay nag rereview na sila ng CCTV footage sa junction sa bahagi ng Tumuini Isabela kung saan natagpuan ang biktima para masuri at maisa isa ang mga sasakyang nagtungo sa lugar para matukoy kung kanino ang nakuhang tire mark ng pulisya.

Matatandaan na noong June 23,2024 nang matagpuan ang bangkay Camille sa isang Farm sa Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Agad namang tumawag sa kanila ang Ilagan City Police Station dahil nagreport sa kanila ang live-in partner nito.

Ayon sa kanyang live in partner, nagkaroon umano sila ng pagtatalo ni Camille dahil sa selos dahilan upang umalis ang biktima sa kanilang bahay.

Ngunit pagsapit umano ng alas siete ng gabi ay nagtext pa sa kaniya ang biktima na pauwi na siya ng bahay ngunit hindi na ito nakauwi pa.

Taliwas naman umano ito sa pahayag ng kanyang live in partner sa Tumauini Police Station na magkasama sila noon at nauna lamang siyang umuwi bago ang nasabing pangyayari.

Dahil dito ay isasailalim din sa Polygraph Test ang live-in partner ng nasabing biktima.