--Ads--

CAUAYAN CITY – Binabantayan ngayon ng mga opisyal ng Barangay Marabulig Uno, Cauayan City ang mga nagtatapon ng basura sa kanilang Materials Recovery Facility o MRF maging sa mga tulay at sapa sa kanilang nasasakupan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Kapitan Jaime Partido sinabi niya na paulit ulit na nilang pinapaalala ang tamang pagtatapon ng basura sa kanilang MRF.

Aniya, may schedule sa paghahakot ng basura ang City Environment and Resources Office (CENRO) kaya lagi nilang pinapaalalahanan ang mga residente sa mga araw kung kailan dapat itapon sa MRF ang mga basura.

Karamihan aniya sa mga nagrereklamo  ay ang mga residente na hindi sumusunod sa itinakdang schedule.

--Ads--

Nanawagan naman ang Punong Barangay sa kanyang mga nasasakupan na sumunod sa itinakdang schedule ng paghahakot.

Babala niya sa mga mahuhuling magtatapon ng basura sa hindi tamang lugar na sila ay mapapatawan ng kaukulang parusa.