--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang apat na katao matapos mahulog ang isang pickup sa Nueva Vizcaya-Benguet National Road particular sa  Sitio Gusaran, Pingkian, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Office kinilala ang tsuper ng pickup na si Princess Pilove Gawongna, bente otso anyos, BFP personnel na nakatalaga sa BFP Bayombong, Nueva Vizcaya at residente ng Brgy. Diego Silang, Diffun, Quirino.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad lumalabas na binabaybay umano ng biktima ang nasabing kalsada patungong Baguio City.

Nang makarating sa pinangyarigan ng insidente ay inaayos umano ng tsuper ang cellphone sa kanyang dashboard na kung saan nagresulta ito upang mamiscalculate at mawalan ng kontrol sa kanyang minamaneho.

--Ads--

Nagresulta ang insidente upang mahulog ang pick up sa bangin na mayroong lalim na humigit kumulang walong metro patungo sa tabing ilog.

Nagtamo din ng sugat ang mga pasahero ng biktima kasama ang kanyang nanay, kapatid at isang menor de edad na pamangkin.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Kayapa Municipal Police Station hinggil dito.