--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang Schools Division Office o SDO Isabela sa pagbubukas ng enrollment ngayong linggo.

Sa naging panayam ng Bombo Rdyo Cauayan kay Ginoong Timoteo Bahiwal, Planning Officer ng SDO Isabela sinabi niya na ang enrollment ng mga public schools para sa school year 2024-2025 ay magsisimula bukas, ikatatlo ng Hulyo at magtatapos sa ikadalawamput anim ng Hulyo.

Wala naman aniyang naging epekto sa nalalapit na pasukan ng mga mag-aaral ang pagbibitiw sa pwesto bilang kalihim ni Vice Pres. Sara Duterte dahil matagal nang nakalatag ang mga plano ng DEPED para sa mga schedules taong ito.

Inaasahan naman ng SDO Isabela na hindi ganoon kataas ang bilang ng mga estudyante dahil sa maigting na pagpapatupad ng enrollment cut off age sa Kindergarten.

--Ads--

Mula aniya nang ipatupad ito ay hindi na ganoon kadami ang enrollees dahil nasasala ang mga batang wala pang sapat na gulang para pumasok sa elementarya.

Aniya ang kanilan pagtaya ay base rin sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA na sa Isabela ay nasa apat ang karaniwang bilang ng myembro ng pamilya ibig sabihin dalawa ang karaniwang anak ng mga may-asawa.

Dahil dito ay mabagal ang tiyansa ng uptrend o pagtaas ng bilang ng mga batang papasok sa paaralan sa bawat taon.

Ayon kay Ginoong Bahiwal may tatlong mekanismo ang enrollment ng DEPED ngayong taon na kinabibilangan ng onsite o personal na pagtungo ng mga magulang at mag-aaral sa eskwelahan para magpaenroll, remote o pagtawag sa numero o hotline maging email ng eskwelahan para magpaenroll at drop box enrollment para sa mga malalayong lugar na ilalagay na lamang nila sa drop box ang kanilang enrollment forms.

Pinaalalahanan naman niya ang mga magulang na may anak na papasok sa paaralan na ihanda ang kanilang birth certificate habang sa mga lilipat ng eskwelahan ay kailangan ang report card o SF9 o ang permanent report card na tinatawag na SF10 ng mag-aaral na pwedeng isumite hanggang buwan ng Oktubre.