--Ads--

Huwag dapat magpadala ang taumbayan sa pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtatanggol nito sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya maaaring binitawan lang umano ni Duterte ang mga nabaggit na pahayag para pagtakpan ang mga nagawa niyang kamalian noong siya pa ang nakaupong pangulo.

Aniya, kailangang managot ni Duterte sa kaniyang mga naging Polisiya sa WPS noong siya pa ang nakaupong Pangulo partikular ang Appeasement Policy nito sa China.

Aniya, nang dahil sa Polisiyang ito ay napapasama ang kalagayan ng bansa partikular sa paggiit nito sa karapatan ng Pilipinas sa sarili nitong teritoryo.  

--Ads--

Dapat aniyang mailimbag sa mga aklat ang mga hakbang ng kaniyang administrasyon kaugnay sa usapin sa WPS upang malaman ng susunod na henerasyon na mas pinili ng dating Pangulo na umanib sa bansang sumasakop sa Teritoryo ng Pilipinas.

Samantala, kinakailagan din umanong panagutan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kaniyang Gabinete ang pagpapakulong kay Former Senator Leila De Lima kahit kahit walang sapat na ebidensiya.

Bagama’t inihayag ng dating Pangulo na dapat galangin ang desisyon ng Korte ay hindi pa din aniya maikakaila na malaki ang kaniyang pananagutan dahil isa umano siya sa mga nanguna sa pagdiin sa dating Senadora.