--Ads--

CAUAYAN CITY – Posible umanong mag-backfire kay Dating United States President Donald Trump ang ibinabang ruling ng US Supreme Court ukol sa Partial  Immunity nito.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito na bagama’t pabor para kay Trump ang desisyon ng Korte ay hindi maikakaila na mayroon pa din itong Political Downside para sa dating Pangulo.

Aniya, base sa resulta ng mga Polling Surveys ay maraming mga Americano ang naniniwala na siya ay guilty sa mga kasong ibinabato laban sa kaniya.

Sa mga susunod aniya na buwan ay magkakaroon ng Trial ang District Court at dito tutukuyin kung ang mga ginawa ba ni Trump sa kaniyang administrayon ay maituturing na official o unofficial act na magiging basehan ng kaniyang innocence o guilt.

--Ads--

Nang dahil dito ay posible na madelay ang kaniyang trial hanggang sa matapos ang Presidential Election ngayong taon.

Aniya, kung muling mailuklok bilang Presidente ng Estados Unidos si Trump ay posible umano na hilingin ni Trump sa Justice Department na ibasura ng korte ang mga kasong kinakaharap nito.